Noong Biyernes, nag-alok ang aking mga kaibigan na mag-inuman sa apartment nila Ryan. Wala pang 200 na talampakan ang layo nun sa bahay ko ngunit dahil ako ay umiinom na simula alas tres ng hapon, dumeretso na ko ng uwi galing sa hapunan at bowling na para sa selebrasyon ng kaarawan ni Mommy.
Samantala, nung Sabado, sa sobrang antok ko, hindi na naman ako nakatagal sa tagal ng inuman, alas kwatro na sila ng umaga natulog kami ng pinsan ko, alas dos pa lang, bagsak na. Masaya noong Sabado at natutunan ko rin na huwag na dapat akong sumama kay Ron kung ayaw ko talaga. Madalas kasi and istilo nya mamilit ay yung magagalit sya. Ako naman syempre ayaw magalit si loko kaya sumusunod na lang ako sa kanya. Hehe.
Nung Linggo, natapilok si Ron sa paglalaro ng basketball. Kawawa nga eh, medyo naramdaman kong bumagsak yung puso ko nung nakita kong umikot yung ankle nya. Pero mabuti naman sya, nakuha pa nga nyang sumama magshopping pagkalaro. Habang nag-aantay ako sa mga kaibigan namin sa mall, may nakita akong mga tao na sana hindi ko na lang nakita...pero ibang usapan na 'yon. Kumain kami sa Boiling Crab pagkatapos. Sulit talaga ang pera doon. :)
Wala akong pasok nung Lunes (kahapon) kaya nagtagal na muna ako as apartment ni Ron. Naglinis at naglaba ako at bilang sorpresa, nagluto ako ng pork steak. Hindi ko alam kung paano ko talaga sha ginawa pero nasarapan naman si Ron. Umuwi ako pagkatapos, nag-aral at nanood ng pelikula tungkol kay Amanda Knox. Buong araw ako humanap ng oras matulog muli kaso lang ang dami kong ginawa. Mahirap pala talaga and nasa bahay lang buong araw. Ni hindi ako makabuo ng isang pelikula. Mas napagtanto ko na hindi pa ako handa magkapamilya. Gusto ko naman pero nakakatakot pa sa ngayon. Hihi. Bata pa siguro talaga ako.
0 comments:
Post a Comment